HATAWAN
ni Ed de Leon
AYAW pang pumayag ni Sunshine Cruz nang sabihin naming nagdadalaga na siya sa isang picture na inilagay niya sa kanyang social media account.
“Dala na po tito, hindi dalaga,” na hindi naman namin matanggap kaya sinagot namin siyang hindi, tama ang sinasabi namin na mukhang dalaga na siya ngayon.
Aba eh tingnan naman ninyo ang porma ni Sunshine kung hindi. Mukha ngang kapatid lang siya ng kanyang mga anak.
Kung sabihin nga, para sa isang kagaya naming sanay sa probinsiya at mamalengke noong araw, ang hitsura ni Sunshine ay para lamang manok na dumalaga. Hindi siya mukhang inahin.
Iyong ibang mga kasabayan niya ang mukha nang mga inahing manok, pero si Sunshine parang dumalaga pa lamang. Mukha pa rin siyang teenager, dahil noong panahong teenager siya ang tingin ng mga tao sa kanya ay isang “baby girl.”
Hindi kumukupas ang kagandahan ni Sunshine.