Monday , December 23 2024
Bong Revilla Jr

Sen Bong umalma, pangalan ginamit para makalusot sa EDSA

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAPIKON si Sen. Bong Revilla, Jr. sa panggamit sa pangalan niya kaya pinalusot na dumaan sa daanan ng bus carousel sa EDSA na mahigpit na ipinagbabawal sa mga sasakyang hindi awtorisado.

Ayon sa reports, ginamit ang pangalan ng senador ng sakay ng sasakyang lumabag. Pinalusot ito eh hindi pala si Sen Bong ang sakay ng sasakyan kaya nagalit ang senador.

Sa pahayag ng senador sa interviews, “Nililinis ko nga ang pangalan ko, tapos heto na naman ang maling paratang! Nasa Cavite ako sa oras na ‘yan at hindi dumaan sa EDSA ang sasakyan ko!”

Nagkaayos at nagkapatawaran ang dalawang partido. Tinaggap naman ng senador ang apology at hindi na maaapektuhan ang budget ng MMDA sa unang pahayag.

Likas lang ang pagiging mabait ni Sen Bong sa nangyari na maging lesson sa lahat ng sangkot sa pagkakamali.

Sa totoo lang, may exceptions kasi sa batas na ipinatutupad kaya mas mabuting limitahan na lang para hindi maabuso ng hindi sakop ng exemptions.

About Jun Nardo

Check Also

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …