Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
sharon Gabby Robin

Sharon mas kailangan si Gabby; concert abroad at movie ‘di na tuloy

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA lang kami dahil nakakita kami ng isang napakaliit na item sa isang internet website na nagsasabing nagkasama raw sina Sharon Cuneta at Robin Padilla sa anniversary ng Viva Films. Pero napakaliit na item iyon at hindi mo maubos maisip kung bakit ganoon lang ang kinalabasan ng team up nila na sa loob ng mahabang panahon ay humawak ng record bilang pinakamalaking gross na kinita ng isang pelikula sa ating bansa. 

Pero ganoon talaga ang showbusiness eh, nasira na ang record na iyon nang kumita ng halos P1-B ang pelikula ni Kathryn Bernardo na siya ngayong may hawak ng karangalang iyon. Tapos nasundan pa iyon ng isang pelikulang pinagtambalan din nina Sharon at Robin na hindi na kinagat ng fans gaya ng dati.

Malaki nga ang ipinagbago ng popularidad ni Robin matapos ang tatlong taon niyang pagkakakulong noon sa Muntinlupa. Habang nakakulong siya may ibang action stars na bahagyang sumikat, at nang lumabas siya at bumalik sa kanyang career, pabagsak na ang action movies. Iyong pagbagsak naman ng action movies ay sinasabi nilang dahil sa halos magkasunod na pagkamatay ng hari ng pelikulang Filipino, si FPJ at ang kinikilalang number two sa kanya sa action na si Rudy Fernandez. Hindi handa ang publiko sa pagkawala ng dalawang action greats, kaya bumaba rin ang popularidad ng mga action movies. Wala nang gumawa ng action na bukod sa magastos kung gawin, humina pa sa takilya. Tinangkang bumangon ni Robin, nag-shooting pa siya ng kanyang pelikula sa abroad, tapos gumawa pa ng malalaking historical films, isinama pa ang kanyang pamangking si Daniel Padilla, pero hindi nila naisalba ang mga pelikulang iyon.

Si Sharon naman, nagbakasyon ng isang taong mahigit para samahan ang kanyang asawang nag-aral sa Amerika. Nang magbalik siya malamig na rin ang career niya. Simula noon wala pang nagawang isang malaking hit si Sharon. Maging sa telebisyon ay humina siya. Lumipat pa siya ng network na inaakala niyang mas mabibigyan siya ng malaking projects. 

Nangyari naman pero mahina na ang kanyang batak. Nagbalik siya sa ABS-CBN, na ni hindi siya nabigyan ng bagong show hanggang sa masara nga iyon at nawalan ng prangkisa. In fairness, sinugalan naman siya ng ABS-CBN at Star Cinema sa pelikula. Itinambal siya kay Richard Gomez, at kay Robin din pero mahina ang pelikula. Pumayag na siya sa medyo off beat na role na inilabas naman sa Vivamax kasama si Marco Gumabao, pero hindi rin iyon kinagat ng tao at tinalo pa nga sa dami ng views ng pelikula ni Angeli Khang.

Nitong nakaraang araw, nag-click na muli si Sharon sa kanilang reunion concert ni Gabby Concepcion, nagkaroon agad iyon ng dalawang repeat, at may mga gusto pang kumuha niyon sa abroad. Concert lang iyon ha, siguro kung pelikula iyon mas malaking hit at baka mabawi na nga ni Sharon ang nawala niyang popularidad, kaso hindi naman maikakailang naapektuhan ang pamilya niya. Isipin mo nga naman sila ang pamilya ni Sharon, tapos nagkakagulo ang mga tao at masayang-masaya na nakasama niyon ang dati niyang asawa at panganay na anak. Natural, pilit mang itago may pumutok ang butse.

Kaya biglang malabo na raw ang concert sa abroad, at mas malabo na ang pelikula nilang dalawa. Kay Gabby walang problema, laging top rater ang ginagawa niyang mga serye sa tv kahit na sino pa ang katambal niya. Maliwanag na hindi niya kailangan si Sharon para ma-maintain ang kanyang popularidad.

Si Sharon ang nangangailangan ng suporta ni Gabby para makabawi, na hindi niya magagawa sa ibang mga makakasama sa pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …