MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMING tagahanga si Nadine Lustre ang kinilig nang i-post ng guwapong boyfriend nito na si Christophe Bariou ang ilang larawan na kuha sa ilang magagandang tanawin sa Italy.
Ipinost ni Christophe sa kanyang Facebook ang ilang larawan nila ni Nadine na kuha sa Milan Cathedral at ang Casa di Langa sa Piedmont.
Sweet na sweet nga ang dalawa sa mga larawan na labis na labis na ikinatuwa ng mga supporter ng aktres at sana nga ay maging pang lifetime na ang magandang samahan ng mga ito.