ni Ed de Leon
SIGE na sa kahit na anong mahalay na eksena ang ipagawa sa kanya sa mga gay series ang isang male starlet, after all mas pino pa nga iyon kaysa mga scandal na ginawa niya noon para sa kanyang mga “kaibigang bading.”
Noon kasi pinagkakitaan din iyan ng male starlet, nakikipag-date siya sa mga bading, at binabayaran siya pero bukod sa date nila, payag din siyang makunan ng video ng mga bading. Sa halaga nga raw P10,000 ginagawa na niya ang anumang kababuyan sa video na ipinagagawa ng mga bading.
Kaya kung iisipin, mas matino pang ‘di hamak ang mga sex scene niya sa ginagawa niyang gay series, at least acting lang iyon at hindi kagaya noong araw na ang ginagawa niya at kinukunan ng video ay tunay na sex.