Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher de Leon

Ate Vi at Boyet malakas pa rin ang hatak sa viewers

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG bilib kami sa lakas ng tambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon. Isipin ninyo, nag-promote lang sila ng pelikula nilang When I Met You in Tokyo, sa Eat Bulaga, biglang tinalo noon sa ratings ang E.A.T. Ilang puntos lang naman ang kanilang inilamang, pero nangyari iyong hindi inaasahan dahil lamang naging guest nila si Ate Vi.

Inaasahan naming may mangyayari pero hindi naman ganyan. Kasi mga dalawang araw pa bago ang guesting panay ang pasahan ng mensahe ng VSSI (Vilma Santos Solid International) na panoorin ang promo nina Ate Vi sa Eat Bulaga. 

Inaasahan naming madadagdagan ang ratings ng show, sa dami ba naman ng mga Vilmanian pero iyong maging number one sila sa noontime slot noong araw na iyon ay hindi namin inaasahan.

Talagang matindi  ang suporta ng VSSI sa pelikula ni Ate Vi at kahit na promo pa lang ay ipinakikita na nila ang kanilang puwersa. Sana manatiling ganyan hanggang sa MMFF (Metro Manila Film Festival) para magawa nilang malaking hit ang pelikula ni Ate Vi at matulungan ding maiangat ang iba pang mga pelikula.

Kailangan ngayon ng industriya ang lahat ng tulong para maibalik ang dati niyong sigla. Iyon naman ang pangarap ni Ate Vi, ang makitang muli ang mahahabang pila ng mga taong manonood ng sine na hindi na nangyari simula nang muling buksan ang mga sinehan pagkatapos ng pandemic.

Siguro nga noong nakaraang taon ay takot pa ang mga tao sa pandemic at marami pa ang hindi nakababalik sa trabaho kaya mahina pa ang mga sinehan. Ngayon mahirap pa rin ang kabuhayan at nananatiling mataas ang admission prices sa mga sinehan, pero nawala na ang takot na dala ng pandemic. Kaya naman sana iyang mga nagkakalat na naman ng tsismis na may lumalabas na namang bagong sakit na naging epidemya na sa ibang bansa, at tumigil muna para makabangon naman hindi lang ang industriya ng pelikula, kundi ang  ekonomiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …