Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roderick Paulate

Roderick ‘di nakulong, kaso nakaapela pa sa SC

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON maliwanag na ngang walang katotohanan ang mga tsismis noon na nakulong ang actor na si Roderick Paulate matapos na bumaba ang hatol ng Sandigang Bayan sa iniharap na kasong graft laban sa kanya. Para kasi sa mga hindi nakaiintindi, iyang Sandigang Bayan o anti-graft court ay kagaya lamang ng RTC na ang desisyon ay maaari pang iapela sa mas mataas na hukuman. Kung sa simula ay nakapaglagak na ng piyansa ang akusado, mananatili iyon hangggang sa mapatunayan ng beyond reasonable doubt na siya ay may kasalanan. Umapela nga si Dick sa mas mataas na hukuman at hanggang ngayon ay wala pang desisyon, kaya malaya pa niyang nagagawa kung ano man ang dapat niyang gawin. Ang importante lang naman doon ay isinailalim mo na ang sarili mo sa jurisdiction ng korte, at humaharap ka naman sa lahat ng mga pagdinig na kailangang naroroon ka. Hindi rin naman masasabing si Roderick iyong tatakbuhan ang kanyang kaso. Hinaharap naman niya iyon.

Basta ang maganda ngayon nakagawa at natapos pa niya ang isang pelikulang kasama si Maricel Soriano. Noon ang alam namin may project din sila dapat ni Ate Vi (Ms Vilma Santos) pero hindi nga natuloy iyon. Kaya naman natanggap ni Ate Vi iyang When I Met You In Tokyo na naging reunion naman nila ni Christopher de Leon. Let us just hope na sana kung wala naman siyang kasalanan ay maibigay ang tamang hatol kay Dick. At mag-artista na lang siya kung saan mas malaki  ang kita, mas walang sakit pa ng ulo kaysa politika.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …