MATABIL
ni John Fontanilla
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ni Kelvin Miranda na isa siya sa pinakabagong bibida sa iconic serye ng GMA 7, ang Encantadia.
Ito nga ang magsisilbing kauna-unahang lalaking Sanggre na halos lahat ay babae, kaya naman feeling blessed si Kelvin at thankful sa Kapuso Network.
Tsika nga nito sa isang interview, “Feeling blessed kasi maraming tao na pwedeng mapili pero ako ang nakuha nila para gumanap na si Adamus. Hindi ako makapaniwala.”
Gagampanan ni Kelvin ang role bilang si Adamus anak ni Alena na siyang tagapangalaga ng Brilyante ng tubig.