Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buboy Villar Isko Moreno

Buboy Villar walang galit sa mga basher

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPAHAYAG ang komedyanteng si Buboy Villar na wala naman siyang sama ng loob sa mga basher na patuloy ang pagpuna sa kanya at sa kanilang show na Eat Bulaga. Si Buboy ay pinag-initan ng mga kritiko noong pasalihin niya sa contest ng kanilang show at papanalunin pa ang isa niyang katulong sa kanyang paresan. Ang katuwiran ni Buboy, nasa audience iyon, napiling sumali at nanalo, wala naman daw problema iyon. 

Kung iisipin mo wala talaga, maliban na lang doon sa pangyayaring may nakakilala roon at may nailabas pang video na magpapatunay na katulong siya sa paresan ni Buboy.

Ang isa pang insidenteng hindi maganda, mahirap mo talagang alisin ang identity ng Tito, Vic and Joeysa Eat Bulaga. Isipin naman ninyo mahigit apat na dekada silang hosts ng nasabing show. Itong sina Buboy napasok lang noong umalis na ang TVJ dahil nagkaroon sila ng problema sa mga Jalosjos.

May isang matanda na napasali at nanalo sa isa nilang portion. Natural ang unang pumasok sa isip ng matanda ay iyong napapanood niya ng mahigit na apat na dekada, nagpasalamat ang matanda sa TVJ, at nang mangyari iyon inagawan ng mic ni Buboy ang matanda.

Ipagpalagay nang nagkamali iyong matanda, hindi ba mas magandang paliwanagan na bago na nga ang show at sila na ang hosts niyon, kaysa alisan mo ng mic iyong nagsasalita pang matanda? Iyon ang dahilan ng matitinding bashings laban kay Buboy, at saka dapat naman aminin niya na kung napipintasan sila minsan, hindi naman sila kasing galing talaga ng TVJ, eh ano ang magagawa nila?

Dapat tanggapin na ni Buboy ang katotohanan na sa isang show na gaya niyan, basta  ang ginagawa mo ay hindi nagugustuhan ng mga tao, pipintasan ka. Kung ok ka naman ay papalakpakan ka. Kung hindi pa siya napapalakpakan at napipintasan pa rin, isipin muna niya kung ano ang dapat niyang baguhin sa kanyang style, hindi naman niya kayang tapatan at magaya man lang ng TVJ, sana hindi naman siya malayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …