ni Ed de Leon
NANINIWALA ang isang male starlet na sisikat siya kung gagawin niya ang isang sex scene sa isang gay serye na kanyang sinalihan. Kaya nang pumayag siya madaliang ginawa iyon para isama sa serye, walang kiinalaman iyon sa kuwento, basta lumabas na naisipan lang nilang mag-sex ng isang gay character at ang sumunod na nga roon ay umaatikabong laplapan nilang dalawa.
Gayunman, lumabas na walang effect ang ginawa niyang eksena dahil ang hinahabol pa rin ng gay audience ay ang bida sa serye, na hindi nga gaanong kaguwapuhan pero napakalakas ng sex appeal at magaling umarte.
Isa pang nakasisira kasi sa male starlet ay ang kanyang paglalasing at pagsa-sideline sa mga bading na nakaka-pick up sa kanya sa mga istambayan niyang watering holes.
Kung kilala ka nang pa-pick up, sisikat ka pa kaya bilang artista? Maghubad man siya nang maghubad, wala nang papansin sa kanya lalo na’t kalat na naman ang mas mahahalay niyang sex scandal, na napakarami na pala.
Mukhang kasama na yata sa deal iyong ivi-video siya basta nakipag-date siya sa mga bading. Minsan nga raw naging “guest” pa siya sa isang gay party at siya ang ipina-raffle bago mag-uwian ang mga bading.
Sumama siya sa nanalo sa raffle.