ni Ed de Leon
NAGTATAWANAN ang isang grupo ng mga bading, dahil akala raw nila magugulat sila sa sinasabing gagawin ng isang male starlet sa isang gay series, iyon pala mas malala pa ang nakita nilang ginawa niyon sa ilang video na napanood nila na nakuha ng isang showbiz gay din.
Aminado naman ang showbiz gay, binayaran niya ng malaki ang male starlet para maka-date niya, makunan ng mga sex video at mahingan din ng iba pang “personal souvenirs” na ipinakikita niya ng may “katibayan”sa kanyang friends.
Ano pa nga ba ang ipagmamalaki ni male starlet? Bale pitong ulit din daw na nagkaroon ng intimate dates ang male starlet at ang showbiz gay, at sa bawat date nila, bukod sa may nangyayari ay nakakakuha pa siya ng ebidensiya ng kanilang date. Ang dami nga nilang picture na nakahubad talaga ang male starlet sa tabi niya.