Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KC Concepcion

KC sinagot netizen na nagtanong ukol sa kanyang pagbubuntis

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang Instagram account, nagpa-Q&A session sa mga netizen si KC Concepcion sa pamamagitan ng “Ask Me Anything.”

Ilan sa mga question na ibinato sa kanya ng mga IG users ay sinagot niya sa pamamagitan ng video. Isa sa mga tanong kay KC ay tungkol sa umano’y pabago-bago niyang itsura.

Tanong ng IG follower ni KC, “Y nmn super pa alter ng face?” Na ang sagot dito ng dalaga ay walang binago sa mukha niya at naka-make-up lang siya ng  sandaling ‘yun.

Ano bang pinagsasabi ninyo guys, ha? Make-up lang yan. Just relax, okay? And be happy,”pagtatanggol ni KC sa sarili.

Sinagot din niya ang nagtanong na netizen ng, “Are you really pregnant?” Sey ni KC, lumang balita na ito at never pa siyang nabuntis.

Guys old news na yan. No! I’m not. I’ve never been. And I hope one day I will be and I will let you know.

“Tigilan niyo yan ha, paulit-ulit. Sa totoo lang,” ang medyo pikon nang sabi ni KC.

Ilang beses na kasing natsismis na buntis si KC, ilang beses na rin niya itong idinenay.

Taong 2019 nang mabalitang pregnant siya uli na mariin din niyang itinanggi, “You guys have to stop with these pregnant rumors already.

“That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON.

“I have NEVER BEEN PREGNANT in my life. In fact, HOW I WISH I COULD BE!” paglilinaw ni KC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kiray hihinto muna sa pag-aartista, tutukan nalalapit na kasal at negosyo

MATABILni John Fontanilla PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang …

Nadine Lustre Sierra Madre

Nadine trending sa mala-Sierra Madre photo shoot

MATABILni John Fontanilla VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito …

Miguel Tanfelix FIberBlaze internet

Miguel nahihilig sa solo backpacker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad. “Mas …

Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline pinasok pagpo-produce ng pelikula

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY producer na rin ngayon si Angeline Quinto. Sa pagdiriwang ng kanyang …

NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP …