Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi parang nagdadalaga palang gayung may apo na

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYONG araw na ito ay hindi na holiday, pero para sa mga Vilmanian,matindi pa iyan sa isang holiday, dahil ngayon ay ang National Vilma Santos day. Birthday ngayon ni Ate Vi. Ngayon ay 69 years old na siya, pero kung titingnan ninyo, lulusot pa rin naman ang biro niyang 39 years old lang siya. Dahil sa totoo lang mukhang bata pa naman si Ate Vi. 

Kung sabihin nga ng mga kritiko para siyang hindi tumatanda kung ikukompara mo nga ngayon ang kanyang hitsura at noong siya ay 16.

Parang mas maganda pa siya sa ngayon. Parang nagdadalaga pa lang, ganoong may apo na.”

Kung iisipin mo nga, iyong ibang mga kasabayan ni Ate Vi ay mga mukha nang hukluban, pero tingnan naman ninyo si Ate Vi, baby pa rin ang hitsura.

Alam ko kasi bilang isang artista kailangan naming mapanatili ang aming hitsura, hindi para sa aming sarili dahil alam naman naming tumatanda na kami kundi para sa fans, para sa publiko.

“Kailangang mapanatili mo ang hitsura mong hahangaan nila. Hindi naman kailangan magpa-opera ka ng mukha mo, iyan ang hindi ko ginawa although I have nothing against doon sa gumagawa ng ganyan. Pero kasi takot ako sa sugat, takot ako sa karayom, ayoko ng operasyon kaya ni minsan hindi ako nagbalak ng ganyan. Hindi rin ako gumagamit ng kung ano-anong gamot na pampaganda, kasi iyang mga iniinom nating gamot, katagalan nagkakaroon iyan ng epekto sa liver natin. Kaya wala rin akong gamot-gamot. Basta ang sa akin pagkatapos ng shoot, alis agad ng make up at bago matulog lalo na kung gabi, linis muna ng mukha at soap and water lang ang gamit ko.

“Minsan gumagamit din naman ako ng skin cleanser, ang tagal ko yatang naging endorser ng Eskinol, pero maliban doon ay wala na. Ang importante kasi ay wasto ang oras ng tulog mo, at iniwasan ko lahat ng bisyo. Kung imbes na matulog ka eh magpupuyat ka pa sa bisyo mo, magmumukha ka ngang mas matanda pa sa edad mo. Pero proper hygiene lang at alagaan mo ang katawan mo, plus may mga vitamin ka namang iniinom talaga, iyon lang ay sapat na.

Tapos kailangan mo ang exercise, kasi kung pinapawisan ka, lumalabas din ang mga toxin sa katawan mo na mabuti lalo na para sa skin mo. Kaya lagi ko iyang ginagawa. Sumasayaw ako kahit na kami-kami lang sa bahay,” pagkukuwento pa ng Star for all Seasons.

Kaya ibang-iba si Ate Vi eh. Bukod sa hindi siya nalaos, hindi siya nagmukhang hukluban.

Hindi gaya ng iba, hindi na kailangang magsuot ng Holloween costume.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …