Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion KC Concepcion

Sharon-Gabby fans nagkaiyakan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PUNOMPUNO ang SM Mall of Asia Arena noong Biyernes, Oct 27 dahil sa Dear Heart reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Patunay na sobrang na-miss ng fans ang dalawa at buhay na buhay pa rin ang kanilang fans.

Bagamat marami ang na-late dahil sa sobrang trapik ng araw na iyon tiyak na nasiyahan ang lahat ng sumugod doon para manood. May pa-throwback moments (sa video footages) sina Sharon at Gabby habang kinakanta ang mga themesong ng kanilang naging pelikula tulad ng Dear Heart, My Only Love, PS. I Love You, Dapat Ba Kitang Mahalin, Sa Hirap at Ginhawa at iba pa.

Ang pinaka-nagustuhan namin noong gabing iyon ay ang reunion ng tatlo—Gabby, Sharon and KC, na talaga namang marami ang na-touch at naiyak kasama na kami roon.

Bukod sa video moment ni KC tinawag siya ng kanyang mga magulang sa stage na iyon ang moment na nakaiiyak at nakaka-goose bumps.

Kumanta sina Sharon at KC ng Ikaw at doon na bumigay si Sharon. Sobrang iyak at ramdam na ramdam namin ang nararamdaman noong mga oras na iyon ni Sharon. At siyempre pagkatapos ng iyakan, tawanan naman na senyales na masaya ang lahat dahil napakaganda nilang pagmasdan. 

Alam naman ng lahat may kaunting tampuhan ang mag-ina kaya natapos ang lahat ng iyon nang magyakapan ang mga ito. At habang nagyayakapan nasabi ni Sharon kay Gabby na sumali na ito sa yakapan nila. Si Gabby naman ay sinabing, ‘okey na kayo ha.’

Iba pa rin talaga ang loveteam nina Sharon at Gabby na bagamat wala na iyong spark na tinatawag sa kanilang mga mata, napakalakas pa rin ng kanilang chemistry kaya marami pa rin ang kinikilig sa kanila.

Nakatutuwa rin ang paglabas nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na sa paglabas ng huli ay grabe ang tili dahil siya man ay kinikilig sa dalawa.

Kilig moments din sa concert ang tatlong encore songs nina Sharon at Gabby, ang Tonight I Celebrate My Love, Maybe at ang signature song nilang Come What May.

Maraming artista rin ang nanood sa Dear Heart concert. Binanggit sy ipinakita sa LED screen si Coco Martin kasama ang kanyang long-time girlfriend na si Julia Montes na sweet na sweet, Lorna Tolentino, Angel Aquino, Shaina Magdayao, at John Estrada kasama ang asawang si Priscilla Meirelles.

Naroroon din si Nino Muhlach at ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado.

Dumating din si Alden Richards samantalang bumili ng limang tiket si Judy Ann Santos.

         At sa mga hindi nakapanood ng Dear Heart concert sa MOA Arena may pagkakataon pa kayo. May InLife’s Dear Heart in Cebu sa November 17 sa NUSTAR Convention Center.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …