Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Jak Roberto Celeste Cortesi

Jak naghihiganti, Celeste ginamit

RATED R
ni Rommel Gonzales

PAGSELOSAN kaya ni Barbie Forteza si Celeste Cortesi?

Super-viral kasi ang Tiktok dance nina Celeste at boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto.

As in trending at kinaaaliwan ng napakarami ang video ng Miss Universe Philippines 2022 at The Missing Husband actor.

Imagine, mahigit 3.9 million na ang views ng video nina Celeste at Jak?!

Naka-post ang dance video ng dalawa sa Tiktok account ni Celeste at ayon pa sa caption ng beauty queen, sa Roxas City pa kinunan ang dance video.

Rumaket yata sila roon ng Kapuso provincial shows kasama ang ibang Sparkle/GMA artists.

A little TikTok break with @Jak Roberto here at the beautiful Roxas City #fyp #foryoupage #celestecortesi #jakroberto”, ang caption ni Celeste.

Pero knowing kung gaano katibay ang relasyon nina Barbie at Jak, for sure ay hindi magseselos si Barbie, lalo pa nga at si Celeste naman ay may karelasyong hunky at guwapong football player.

At kung click ang tambalan nina Barbie at David Licauco sa Maging Sino Ka Man ngayon, maisipan kaya ng GMA na pagsamahin sa isang serye sina Celeste at Jak lalo pa at pumirma na si Celeste (pronounced as Cheleste) sa Sparkle ng GMA bilang isa sa mga bagong talent ng Signed for Stardom 2023 kamakailan?

Samantala, si Jak ay featured artist din sa Kapuso Profiles ng GMANetwork.com.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …