Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricci Rivero Andrea Brillantes Leren Mae Bautista

Leren Mae palaban na, ipinagtanggol ang sarili

HATAWAN
ni Ed de Leon

SI Leren Mae Bautista naman ngayon ang aktibo sa pagpo-post at sinasabi niyang darating din ang isang araw na lalabas ang buong katotohanan, at titigil na rin ang mga naninira sa kanya.

Kung sabagay, kahit naman anong paninira sa kanya ay buo pa rin ang paniniwala sa kanya ng mga taga-Los Banos, Laguna na ang tawag sa kanya ay “queensehala” kasi nga beauty queen at konsehal nila. Basta buo ang tiwala ng mga kababayan niya eh ano pa ba naman ang hahanpin ni Leren Mae. Sinasabi naman ng boyfriend niyang si Ricci Rivero na walang inagaw, at walang inaagawan, kasi hindi naman siya nakipag-reconcile kay Andrea Brillantes kahit na ilang beses siyang pinuntahan noon sa kanyang condo ng madaling araw at hinihinging magbalikan sila.

Kahit nga naman ano ang tingin mo, masasabi mo bang inagawan ka ng isang bagay na hindi na naman sa iyo in the first place? Ang panalo pa ni Leren Mae mukhang mas seryoso si Ricci sa kanya dahil magkasundo sila ng ugali. Hindi siya toxic sa paningin ni Ricci. Eh kung toxic ang maging tingin niya kay Leren Mae, baka kailangang magpa-check up na siya ng kanyang mata.

Isa pa malinis ang pagkatao at wala kang maibubutas kay Leren Mae. Hindi siya gumawa ng video scandal sa buong buhay niya. Kaya kami man ang nasa puwesto ni Ricci, aba gugustuhin naming ‘di hamak si Leren Mae, hindi man niya kami ibili ng lahat ng gamit namin sa condo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …