I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKING himala ang pagpa-follow sa isa’t isa nina Marian Rivera at Heart Evangelista sa Instagram.
Matagal nang may silent war ang dalawa na kung tama kami ay noong panahong nagsama sila sa remake ng pelikulang Temptation Island na sa Ilocos pa kinunan.
Hindi malinaw sa amin kung ano ang totoong dahilan ng feud nila kaya naman ‘yung nakasama nila na ilang aktres eh nagkanya-kanyang kampihan.
Until heto, lumabas sa report na nag-follow-han sina Marian at Heart sa Instagram.
Does it follow na puwede na ring magsama sa TV series ang dalawa lalo na’t kapwa sila Kapuso artists?