Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Marlene F Gonzalez

US Immigration Atty Marlene Gonzalez bumisita sa Maynila 

SOBRANG naging abala ng ilang linggo si US Immigration Atty Marlene F. Gonzalez sa naging pagbisita niya sa Maynila kamakailan. Doo’y tinuruan, binigyan niya ng tulong, at ipinalam sa mga Filipino kung paano magtrabaho at manirahan sa United States.

Ang pangunahing focus ng Filipina-American Attorney ay ang pagbibigay ng impormasyon sa mga Filipinong gustong magpunta sa US maging ito ay bilang isang turista, Nurse, student o unskilled worker. Nagsimula ang kanyang pagbisita sa Pilipinas sa isang matagumpay na 3-day trade expo sa Megatrade Hall noong Setyembre 29, 2023. Nagbigay siya ng free consultation sa mga kababayang gustong magtanong tungkol sa kung paano magiging matagumpay sa pag-a-aplay ng US visa, sa mga petition ng mga kaanak, at sa mga may problema sa US Immigration. 

Nagsagawa rin siya ng Immigration Seminar noong Oktubre 7, 2023 na nakipagpulong siya sa mga Nurse at negosyante na gustong maghanap ng mas magandang buhay sa US.

Ang mga pagsisikap ni Atty. Marlene na tulungan at turuan lalo na ang mga inaabusong Filipino sa US ay naging malakas at malinaw nang makapanayam sa Open for Business ng NET25. Regular din siyang guest sa morning program ng network, ang Kada Umaga. Makikita siya sa nasabing program kada Biyernes. 

Maaring makontak  si Atty. Marlene online. Puntahan lamang siya sa kanyang website, ang www.us-journey.com para makausap ang abogada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …