Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matteo Guidicelli Penduko

Matteo nabawasan kiliti sa hitsura

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGSISIMULA nang lumabas ang mga litrato ni Matteo Guidicelli na bahagi ng promo ng kanyang pelikula. Ok naman sana, pero nang balikan namin ang mga lumang picture, naisip lang namin na kung ang hitsura ni Matteo ngayon ay kagaya ng ayos at hitsura niya roon sa serye nilang Bagani, aba ‘di hamak na mas makatatawag siya ng pansin. 

Kung sabagay, maiiwasan ba naman ang pagtanda ng isang tao? Ang problema lang, iyong Bagani ang huling serye na siyang napanood at ang ayos niya roon ang natatandaan ng mga tao. Iyong hitsura niya roon ang natatandaan namin eh, tapos ngayon sa mga bago niyang pictures, mukhang tumanda siya. Natural naman tatanda siya dahil ilang taon na rin ang nakaraan simula noon, tapos nag-asawa pa siya na siyempre nabago na ang life style niya dahil doon, pero mukhang nabawasan na ang kiliti sa hitsura ni Matteo.

Hindi nakabuti ang matagal niyang pagkawala.  Kasi nga siguro nagpalamig din sila sa naging controversy ng bigla at inilihim nilang kasal ni Sarah Geonimo, na hanggang ngayon hindi pa yata sila in good terms ng pamilya ng kanyang asawa. Natural lang naman. Hindi sa kahit na anong dahilan iyon eh. Hindi mo masasabing ok lang dahil sinusuportahan pa rin naman ni Sarah ang kanyang pamilya kahit na may asawa na siya. Hindi sa suporta iyon eh. Ang masakit doon, iyong nangyaring nagpakasal si Sarah ng inilihim sa kanyang mga magulang? Maling diskarte iyon kahit na anong tingin ang gawin ninyo. 

Hindi ninyo masasabing nasa tamang edad na si Sarah, hindi katuwiran iyon eh. Hindi naman sinabing igalang mo ang mga magulang mo hanggang wala ka pa sa edad. Malaki ang epekto niyon sa kanilang image. Hindi naman nila natakpan ang mga issue na iyon eh. Pati ang pagsuntok ni Matteo sa driver ni Sarah na nagsabi sa nanay ng songstress na ikinakasal na iyon sa aktor kaya sumugod ang nanay niya sa reception. Naayos iyon in a way dahil hindi na nga nagdemanda ang driver-bodyguard ni Sarah, pero nakarating pa iyon hanggang kay Tulfo. At alam naman ninyo basta nakarating doon, eskandalo na iyan. Ang ginawa nilang damage control “dead ma” at ngayon natin malalaman ang epekto niyon.

Pero huwag na nating pakialaman iyon, magbalik na lang tayo sa hitsura ni Matteo sa ngayon. Sinasabi pa rin namin na mas mukha siyang local hero sa hitsura niya sa Bagani kaysa lumabas na mga picture niya ngayon. Hindi naalagaan eh, mukha siyang masyadong matured, eh ang panlaban pa naman ni Matteo, pogi siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …