ni Ed de Leon
AY nakahihiya, may isang director na bumili raw ng cellphone sa isang mall, at siyempre ang tanong niya matutulungan ba siyang mailipat sa bago niyang phone ang mga dating laman ng kanyang papalitang cell phone? Siyempre payag naman ang nagbebenta dahil pagkakataon nila iyong makabenta at madali lang naman ang maglipat ng data.
Nang inililipat na ang data, napansin ng sales girl na ang kinokopya pala niya sa bagong phone ay puro hubo’t hubad na pictures ng mga lalaki. Siyempre dahil bakla si direk, may nakilala ang sales girl sa mga artistang lalaki na napaghubad ng direktor sa kanyang cell phone.
Pero karamihan daw ay mga poging hindi naman kilala, kaya most probably iyan ang mga “car fun boys” na napi-pick up ni direk, o mga indie star na pahada rin.
Ang hindi maganda, habang ginagawa pala ang transfer ay naka-blue tooth din iyong cellphone ng sales lady at ngayon ipinakikita na niya sa ibang tao ang nakopya niyang laman ng cell phone ni direk. May ibang tao na nakilala pa raw ng mga kaibigan niya, isa na nga roon ang isang indie gay star na noon pa namang araw ay talagang talamak na car fun boy.