Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez

Teejay Marquez excited makasakay ng karosa sa MMFF 2023

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA si Teejay Marquez sa pagpasok ng kanyang pelikulang Broken Heart’s Trip sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Ito kasi ang kauna-unahang pelikula ni Teejay na nakapasok sa MMFF kaya excited ito na makasakay ng karosa para sa taunang Parade of Stars.

Sobrang happy po ako nang malaman kong kasama sa napili ang movie namin na ‘Broken Heart’s Trip’ sa 2023 Metro Manila Film Festival.

“And this is the first time na may movie ako na entry sa festival na talaga namang inaabangan ng mga Filipino sa araw ng Kapaskuhan.

Excited na rin akong sumakay ng karosa for the first time.

“Sana magustuhan ng mga manonood ‘yung movie namin dahil maganda siya at napakahusay ng mga nakasama kong actors dito,” mahabang sabi ni Teejay.

Makakasama ni Teejay sa Broken Heart’s Trips sina Cristian Bables, Iyah Mina, Petite, Marvin Yap, Jaclyn Jose, Jay Gonzaga, Ron Angeles, Tart Carlos, Arnold Reyes, Sinon Loresca atbp., hatid ng BMC Fims in Partnership with Smart Films sa direksiyon ni Lemuel Lorca.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …