Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Metro Manila Film Festival, MMFF

Top grosser sa MMFF 2023 inaabangan

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINO ang magiging top grosser sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF)? Hindi natin maikakaila na dahil iyan ngang MMFF ay isang trade festival, talagang mahalaga kung sino ang top grosser. 

In fact, mas pinag-uusapan iyon kaysa nanalong best picture. May panahon pa ngang ang ginawa ni Bayani Fernando, kung sino ang top grosser iyon din ang Best Picture. Binash siya ng mga tao, pero ang katuwiran niya, “desisyon ng bayan iyan. Kaya nga iyon naging top grosser ay dahil pinanood nila. Pinanood nila dahil sa paniniwalang iyon ay isang magandang pelikula at mas marami silang nagsabi na naniniwala silang magandang pelikula iyon, kaya nga top grosser.” 

Ang inaasahan ng mga taong maglalaban sana kung natuloy nga ay ang mga pelikula nina Nora  Aunor, Vilma Santos, Maricel, Soriano, at Sharon Cuneta. Pero wala na iyan dahil nasilat na ang pelikula nina Nora at Maricel.

Si Ate Vi, gusto niyang kumita ang kanyang mga pelikula, pero kahit na kailan hindi naman iyan nag-ambisyong maging top grosser. Pero hindi rin ninyo masasabi dahil walang pelikulang kasali ang mga artistang karaniwang box office top grosser ang pelikula, at si Ate Vi lamang ang artista sa festival na hindi pa bumabagsak ang pelikula.

Hindi na namin masyadong inaasahan ang pelikula ni Sharon dahil sa naging resulta ng huling pelikula ni Alden Richards na tinamaan na ng boycott ng AlDub Nation. Isipin ninyo si Alden na noong kasama ni Kathryn Bernardo ay P54-M ang kita sa first day, noong isang araw kumita lang ng P3.3-M na ang kasama naman ay si Julia Montes?

Eh ang kasama pa niya ay si Sharon, na nang mag-comeback ay mahina rin ang lahat ng ginawang pelikula kahit na ang nakasama ay sina Richard GomezRobin Padilla, at Marco Gumabao. Ngayon ang magiging alibi pa niyan si Alden, sasabihing mahina ang pelikula dahil walang batak ang aktor na iniwan na ng AlDub.

May magsasabi bang mahina ang pelikula dahil kay Sharon? Gusto ninyong tarayan kayo ng anak niyang si Frankie Pangilinan? Sabihin na lang ninyong binitiwan na kasi ng ALDub Nation si Alden.

Pero may makapagliligtas pa sa pelikulang iyan, maaari silang mag-shoot kahit na one day at pakiusapan si Gabby Concepcion na lumabas bilang guest lang, o kaya baguhin ang ending at palabasin sa pelikula na makakapag-asawa si Alden at ang lalabas ay si Maine Mendoza. Kung hindi ganoon, talo na iyan. Kumbaga sa sabong ay tiyope. Kahit na magtaray pa ng magtaray si Frankie.

Ayaw na naming isipin ang walong iba pang pelikula, baka hindi namin ma-compute.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …