Sunday , December 22 2024
Aga Muhlach

Ayon sa hula: artistang lalaki sisikat tulad ng kasikatan ni Aga sa 2024

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY isang kilalang manghuhula na nagsasabing may isang artistang lalaki na biglang sisikat sa 2024, magiging isang phenomenon daw gaya ng pagsikat ni Aga Muhlach noong panahon ng Bagets

Sana nga totoo, aba eh matapos ang panahon ni Aga wala nang sumunod na matinee idol, para tuloy tinamad na rin ang fans, nawala na ang nagtitiliang fans kung nakakakita ng artista. Mga Koreano na ang kanilang tinitilian.

Kaya tingnan ninyo, pati model ng brief, doughnuts, mga real estate properties, at kung ano-ano pa ay puro Koreano. Nakalulungkot dahil maraming artistang Filipino na walang trabaho. Sa totoo lang, hindi kami bumibili ng underwear na ang model ay mga Koreano. Para pala sa Koreano iyan eh, ‘di sila na lang ang magsuot. Hindi na rin kami bumibili ng doughnuts na ang endorser ay Koreano. Lalo naman kaming hindi kumakain sa mga restaurant ng mga Koreano, mas kumakain pa nga kami ng Japanese food kahit na sa totoo lang ang lolo namin ay pinatay ng mga Hapon dahil sa mga Makapiling ang nagtatag ay lolo ng isang showbiz character na hindi namin nagustuhan.

Ngayon may mga kabataan pang Filipino na nagpapanggap na Koreano rin sila para sumikat. Aba eh, gaya nga ng sabi sa kanta ni JK Labajo, “nakaka…….ina” iyan.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …