Sunday , December 22 2024
Alden Richards Julia Montes Sharon Cuneta

Muling pag-angat ng career ni Sharon nakasalalay kay Alden

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAILANGANG habulin ni Alden Richards ang minamahal niyang fans, lalo na nga ang AlDub Nation na siyang pinakamalaking hukbo ng kanyang mga tagahanga. Kawawa rin naman si Alden, kasi ayaw siyang paniwalaan ng fans sa kanyang sinasabi, inilabas pa nila ng screenshot ng isang dating post ni Maine Mendoza sa social media na siya ay hindi halos pinansin ni Alden noong magsimula silang magtrabaho ng face to face.

Kung sa bagay, ano pa ba ang pakialam ng fans sa personal na buhay ni Alden, ang mahalaga ay ibinibigay niya ang kanyang buong kakayahan para magampanan nang mahusay ang kanyang role sa pelikula o sa telebisyon man.

Pero ngayon mukhang matigas nga ang paninindigan ng AlDub Nation na hindi nila susuportahan ang pelikula ni Alden at kahit na si Maine kung hindi silang dalawa ang magkatambal.

Ang masakit, kasali sa MMFF ang pelikula ni Alden na kasama si Sharon Cuneta, Bagama’t sikat din naman si Sharon, hindi natin maikakaila na ang kanyang ginawang mga sunod-sunod na comeback movies ay nagkasunod-sunod din ang balibag sa takilya. Gumawa na nga siya ng isang off beat role, itinambal sa noon ay mainit ang popularidad na si Marco Gumabao, internet streaming na nga lang iyon sa Vivamax, iisipin ba ninyong napataob iyon ng pelikula ni Angeli Khang?

Ngayon sa panig ng mga producer, ang talagang inaasahan nilang bubuhat sa career ni Sharon sa pelikula nila ay si Alden, dahil ang pinagbabatayan nila ay ang box office success ng pelikula niya kasama si Kathryn Bernardo. Kumita iyon ng P1-B at kahit na kalahati lamang niyon ang kitain ng pelikula nila ni Sharon ok na.

Pero iyong pelikula nila ni Kathryn ay suportado ng KathNiel, at mismong si Daniel Padilla ang nanawagan sa mga KathNiel fans na suportahan ang pelikula nina Kathryn at Alden. Noong panahong iyon, matindi pa rin ang suporta ng AlDub Nation kay Alden.

Eh ngayong medyo matatanda na rin ang fans ni Sharon at hindi na ganoon ka-aktibo, tapos si Alden ay ibo-boycott pa ng AlDub Nation, paano pa kaya ang kanilang pelikula?

Ang solusyon diyan ay mapakiusapan man lang sana ni Alden ang kanyang fans na palipasin muna ang festival bago sila mag-boycott. Kung hindi kawawa naman, hindi lang si Alden kundi lalo na si Sharon.

Kung hindi pa umangat iyan, matutulak si Sharon sa kaisa-isang pagkakataon para pasiglahing muli ang kanyang career, gumawa siya ng pelikulang kasama si Gabby Concepcion na ang talent fee nila ay magkapantay lamang at ang aktor naman ang bibigyan ng pagkakataong mauna sa billing. Kung papayag sa ganoon si Sharon, para na rin niyang inamin na lumamig na ang kanyang popularidad, na dapat lang naman niyang tanggapin kung ayaw pa niyang mag-retire.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …