Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francis Kiko Magalona Abegail Rait Frachesca Gaile Magalona

Netizens ikinagulat paglutang ng anak ni Francis M. sa ibang babae

MATABIL
ni John Fontanilla

USAP-USAPAN sa social media ang paglitaw ng mag-inang Abegail Rait at Frachesca Gaile Magalona sa isang episode ng Boss Toyo Production (Pinoy Pawnstars) na talaga namang ikina-shock ng karamihan.

Hindi nga inaasahan na pagkalipas ng halos 15 taon, biglang lulutang at magsasalita ang nakarelasyon noon ni Francis M. na nagkaroon ng isang anak na babae.

At ito nga’y naganap sa pagbebenta ng memorabilia ni Francis M. kay Boss Toyo ni Abegail kasama ang kanyang anak na si Gaile.

Ayon kay Abegail, “We Do Exist.

“[…] For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ’yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya. Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me but we exist, what we had is real. Me and my daughter exist. Mahal niya kami, and that’s a fact.”  

Kasunod nito nag-post naman ito sa kanyang FB. “Grateful to share Francis M’s memorabilia now for keeps. Thank you, Pinoy Pawnstars Boss Toyo for making us part of Kiko’s legacy for Cheska.” 

Ibinahagi rin ni Abegail sa kanyang Facebook reel ang video ng pagbisita nila ng anak na si Gaile Francesca sa puntod ng “King of Rap” ng Pilipinas. 

Katulad ni Francis M ay napakahusay ding mag-rap si Gaile na handang-handang pasukin ang showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Lella Ford Boy Abunda Karla Estrada

Lella Ford proud Nepo Baby

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA si Lella Ford sa pagiging matapang at totoo. Sa programang Fast Talk ni kuya Boy Abunda, …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Direk Jun Miguel Ang Mga Bagong Munting Misyon

Direk Jun Miguel may bagong pelikulang pang-Holy Week 

MATABILni John Fontanilla PAGKARAAN ng matagumpay na pagpapalabas ng pelikulang  Aking Mga Anak ay may bagong handog …