Monday , December 23 2024

6th The EDDYS awards night ng SPEEd ililipat ng petsa, venue

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IPAGPAPALIBAN ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang nakatakdang 6th The EDDYSEntertainment Editors’ Choice sa darating na Oktubre 22.

Ito ang inihayag ng mga opisyal at miyembro ng SPEEd na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng ikaanim na edisyon ng The EDDYS na gaganapin sana sa EVM Convention Center sa Quezon City.

Ayon sa presidente ng samahan ng mga entertainment editors sa bansa na si Eugene Asis, kinailangang kanselahin pansamantala ang awards night ng The EDDYS na nakatakda sana sa October 22 dahil sa ilang hindi inaasahang pangyayari na hindi kontrolado ng organizer at producer. 

Dahil dito, minabuting ilipat ng petsa at venue ang Gabi ng Parangal. 

Agad na maglalabas ng mga kaukulang detalye ang pamunuan ng SPEEd at ang Airtime Marketing Philippinesna pag-aari ni Tessie Celestino-Howard, ang producer ng 6th The EDDYS sa oras na maisaayos ang lahat. 

Lubos na humihingi ng paumanhin ang organizer at producer ng event sa nominees, iba pang involved sa produksiyon at sa publikong naghihintay nito taon-taon.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …