Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Unbreak My Heart

Unbreak My Heart maraming pasabog sa pagtatapos

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI pang pasabog! Ito ang tiniyak ng direktor ng Unbreak My Heart sa final five weeks na natitira nito.

Ani Dolly Dulu, direktor ng Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta Maria, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia, asahan ang maraming twists at shocking scenes sa mga susunod na araw. 

Sa last five weeks, sa last 20 episodes remaining, mas marami pa ‘yung pasabog na darating. Kung feeling n’yo alam n’yo kung saan pupunta ‘yung kuwento namin, medyo may shock and twist pa rin siya,” paniniyak ni direk Dolly sa naganap na Finale presscon ng UMH noong Biyernes.

“‘Yun ang magiging proud ako na tatapusin namin itong series na ito roon sa what we believe should be the right ending, regardless of what happened doon sa buong kuwento. Kaya namin panindigan, i-justify na ‘yun ang dapat mangyari,” pagtitiyak ni direk Dolly. 

Kaya naman abangan at hindi dapat kaligtaan ng mga tumututok sa UMH ang panonood dahil sabi nga ni direk Dolly “Abangan n’yo kung ano ‘yung dapat mangyari na iyon. Ito ‘yung ending na pinaghirapan naming lahat.

At sana huwah kayo mag-give up sa mga nangyayari kasi mayroon siyang explanation sa dulo kung bakit ‘yun ang dapat mangyari, kung bakit kami nakarating sa dulong iyon,” giit pa ng direktor.

Bukod kina Jodi, Gabbi, at Joshua, kasama rin sa programa sina Richard Yap, Nikki Valdez, Sunshine Cruz, Jeremiah Lisbo, at Bianca de Vera.

Anim na buwang napapanood ang Unbreak My Heart at nasa final five weeks na silang napapanood sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m. mula Lunes-Biyernes at 11:25 p.m. sa GTV. Napapanood din ito sa GMA Pinoy TV at TFC. At advanced na napapanood sa  Viu at iWantTFC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …