MATABIL
ni John Fontanilla
NAKABIBILIB ang pagiging sobrang husay umarte ng dating child star na si BJ “Tolits” Forbes na napanood namin kamakailan sa stage play na Tatlo Buo at SinaSadasal na pare-parehong sa panulat at sa direksiyon ni Chaps Manansala ng Hiraya Theater Productions.
Tsika ni BJ, malaking bagay sa pagiging mahusay niyang umarte ang teatro, grabe kasi ang training niya sa theater at talaga namang mapipiga at lalabas ang husay mo sa pag-arte.
At sa nasabing dalawanp play ay isa si BJ sa talaga namang umani ng malakas na palakpakan, hiyawan, at papuri mula sa mga manonood.
Kaya naman nagpapasalamat ito kay Direk Chaps dahil binigyan siya ng pagkakataong maging pamilya ng Hiraya Theater Productions.
At simula ngayong Octobre hangang early next year ay magiging abala si BJ dahil lilibutin nila ang buong Pilipinas para itanghal ang mga stage play na Tatlo Buo at SinaSadasal.