MATABIL
ni John Fontanilla
PAGKATAPOS ng sold-out concert last January entitled Ang Musika, Ang Teatro at Ako sa Cultural Center of the Philippines,
ng mahusay na singer na si Poppert Bernadas ay magkakaroon ito ng another concert this November 11, sa Music Museum, ang Who Put the POP in POPPERT?
Excited na nga si Poppert sa kanyang padating na concert at grabeng paghahanda na ang kanyang ginagawa.
Tsika ni Poppert bilang paghahanda sa kanyang concert, “Nagri-research po ako ng mga hit songs na gusto ni sir Floy (Quintos).”
At desisyon ng kanyang direktor na ‘wag nang i-announce ang kanyang magiging espesyal na panauhin. “It’s a directorial decision, hindi siya naglagay ng guests!!! Good luck sa akin hahaha,” natatawang pahayag ni Poppert.
Sobra-sobrang pasasalamat naman ang gusto nitong iparating sa mag-asawang negosyante at philanthropist na sina Pete at Cecille Bravo ng Intele Builders and Development Corporation.
“Grabe po po sumuporta sina Tito Pete at Tita Cecille, tunay na hulog po sila ng langit sa lahat ng mga artist na natulungan nila.
“At isa na ako sa buong pusong nagpapasalamat sa kanilang pagmamahal sa akin at sa paniniwala sa kakayanan ko bilang artist at nagpapasalamat din ako sa suporta ng Ka Fam.”
Inaalay ni Poppert ang kanyang concert sa kanyang pamilya, kaibigan, at supporters.
Ang Who Put the POP in POPPERT? ay gagawin sa Music Museum sa Nov
11 mula sa direksiyon ni Floy Quintos.