HATAWAN
ni Ed de Leon
AWANG-AWA kami sa isang dating matinee idol na noong araw ay sinasabing isa sa pinakasikat na young male star. Noon makita lang siya ng fans nagtitilian na. Ano man ang sabihin ng iba, pogi naman siya kasi at iyon ang naging advantage niya, sabihin mang hindi siya ganoon
kagaling umarte at kumanta.
Malayong-malayo sa kanyang image noon ang nakita naming ayos niya noong isang gabi. Medyo late na rin iyon, nang makita namin siyang pumasok sa coffee shop ng isang upscale mall. Matapos siyang mag-order ng kape sa barista, pasalampak siyang umupo sa isang silya mukhang nanlalata na at hindi na maayos ang suot niyang damit. Halata mong lasing na siya, at napaso pa nang bigla niyang higupin ang mainit na kape. Maya-maya pinagtitinginan siya ng mga tao nang may dumating na dalawang bakla, kinausap siya at inalalayang lumabas na coffee shop at sumakay sa isang nakahintong kotse.
Iyon na iyon. Lasing na nag-sideline pa,
Ano nga kaya ang kahihinatnan ng buhay niya kung ganyan na lang siya. Nasayang kung ano man ang narating na niya sa kanyang career. Sinira na niya ang kanyang career, at ngayon sinisira naman niya ang kanyang buhay.