MATABIL
ni John Fontanilla
ABOT-ABOT ang pasasalamat ni Julie Anne San Jose sa lahat ng taong nagdasal sa kanila ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz sampu ng kanilang kasama, habang nasa Israel para sa isang show.
Inabutan sila ng lockdown sa Tel Aviv, Israel bunsod ng mga pag-atake sa siyudad ng militanteng grupong Hamas.
Post ni Julie Anne sa kanyang Instagram “Maraming salamat po ulit sa lahat ng inyong mensahe at dasal para sa aming kaligtasan.
“Our hearts go out to our kababayans. Everyone in the Middle East and the other parts of the world who are suffering from this conflict…We continue to pray for peace. We pray for the world.”
Nakauwi na ng ‘Pinas sina Julie Anne at Rayver at ang kanilang mga kasamahan ng ligtas.