Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Sanya Lopez

Marian ‘lampaso’ kay Sanya

HATAWAN
ni Ed de Leon

SI Sanya Lopez ang tinatawag na nila ngayong “First Lady ng Primetime,” at hindi naman kataka-taka dahil sa dalawang magkasunod niyang serye na napakataas ng ratings. Masasabi nga rin na ang nagdala ng mga seryeng iyon ay si Gabby Concepcion, pero kung walang K si Sanya, tiyak na si Gabby mahihila pababa. 

Sa nangyari ibig sabihin may batak na rin talaga si Sanya. Pero ngayong tinatawag na siyang First Lady ng Primetime, saan naman pupulutin ang tinatawag nilang “Primetime Queen?” Hindi ba parang masakit iyong ikaw nga ang Reyna pero may number one ng iba? 

Sabi nga ng isang kritiko, sa England mas may papel ang asawa ng Prime Minister na siyang First Lady kaysa Queen Consort na honorary lang naman ang title at walang kinalaman sa pangangalaga ng bansa. Pero iba naman iyon eh dahil system of government iyon, ito naman ay entertainment title lang. Pero para ngang nalampasan ng first Lady ang queen. Kasi kailan pa ba naman ang huling hit series ni Marian Rivera? Isa pa, sinalo lang naman niya ang roles na dapat sana ay ginawang lahat ni Angel Locsin kung hindi iyon lumipat sa ABS-CBN. Kung hindi umalis si Angel sa GMA 7, wala si Marian. 

Ang popularidad ni Marian ay nalampasan na rin noon pa ni Maine Mendoza, salamat na nga lang at sa comedy nalinya si Maine. Kung hindi mas obvious na nalampasan niya si Marian. Ngayon sa sunod-sunod na hits ni Sanya, iyan na nga ang nangyari. Masasabi nga bang nalampansan na ni Sanya si Marian? Kung kami ang tatanungin, posible!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …