Thursday , November 30 2023
Its Showtime MTRCB

ABS-CBN nanindigan wala raw silang nilabag na anumang batas

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI na iaapela ng ABS-CBN sa Office of the President ang ipinataw na 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa It’s Showtime.

Base sa inilabas na pahayag ng Kapamilya Network noong Biyernes ng gabi, October 6, iginagalang nila ang desisyon ng nasabing ahensiya at hindi na nga ito iaakyat sa Office of the President.

After careful consideration, ABS-CBN has decided not to appeal to the Office of the President.

“After careful consideration, ABS-CBN has decided not to appeal to the Office of the President the decision of the MTRCB on ‘It’s Showtime’ and instead serve the 12-day suspension starting Oct. 14,” saad sa inilabas na official statement ng ABS-CBN.

Sa kabila ng pagtanggap ng desisyon ng  MTRCB sa It’s Showtime, nanindigan ang Kapamilya Network na walang naging paglabag ang nasabing noontime show sa anumang batas.

Lubos naman ang pasasalamat ng ABS-CBN sa patuloy na pagsuporta at pagmamahal ng madlang pipol sa It’s Showtime.

Our heartfelt thanks to our viewers for their unwavering love and support for ‘It’s Showtime,’ which will return on Oct. 28 stronger and better than ever.

“Maraming salamat, Madlang People!”

About Rommel Placente

Check Also

Lolit Solis Bea Alonzo Rhea Tan

Bea at Manay Lolit nagkapatawaran, nagkabati

MA at PAni Rommel Placente NAGKAAYOS na sina Lolit Solis at Bea Alonzo, matapos silang magkita sa birthday …

Calvin Reyes Haslers

Calvin Reyes, tinawag na lalaking Jaclyn Jose!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HALOS speechless ang newbie actor na si Calvin Reyes nang …

Glitter Entertainment

Glitter Entertainment Chatter Show ni Direk Perry Escaño, magsisimula na sa December 3  

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Direk Perry Escaño ang ilan sa dapat asahan sa kanilang …

Chris Wycoco

Chris Wycoco: Tax Guru ng mga Filipino sa US

ISA sa mga pangunahing alalahanin ng mga Filipino at may-ari ng negosyo sa United States …

Paulo Avelino Kim Chiu

Korean series na Pinoy version na gagawin nina Paolo at Kim tiyak na bongga

PUSH NA’YAN ni Ambet Nabus LATE last year pa pala natapos gawin ang Linlang nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaya’t …