Saturday , November 16 2024
Song Kang-ho Cobweb

Song Kang-ho muling nanggulat sa pelikulang Cobweb

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INSPIRATIONAL at maraming makukuhang tips sa pagdidirehe ang bagong hatid na pelikula ni Song Kang-ho na minahal ng fans o ng mahihilig sa K entertainment dahil sa napakahusay niyang pagganap sa Parasite.

Nagbabalik si Song Kang-ho sa isang 

dark comedyang Cobwebisangcinematic treat, at isa sa most highly anticipated movies sa South Korea na mapapanood na sa mga sinehan simula kahapon, October 4.

No wonder pumapailanlang ang hagikgikan sa loob ng sinehan habang pinanonood ang dahil sa light entertainment na istorya nito na nakaaaliw.

Isang napakagandang handog ang pelikulang Cobweb para sa mga K-Entertainment fans na ang istorya ay ukol sa isang director noong 1970 na ‘pinagmumultuhan’ ng kanyang kagustugang maire-shoot ang ending ng kanyang latest film sa kabila ng unfavorable conditions. Nagkaroon ng kaguluhan, kalituhan siyempre nang nagsulputan na ang web of complications sa film set.

Si Song Kang-ho na nakilala sa kanyang critically acclaimed performance sa Parasite ay maglalarawan ng mga iconic characters sa Korean cinema, at firet time niyang gumanap bilang film director sa pelikula.

Tampok din sa Cobweb sina Lim Soo-jung (A Tale Of Two Sisters), Oh Jung-se (It’s Okay Not To Be Okay), Jeon Yeo-been (Vincenzo), Jang Young-nam (It’s Okay Not To Be Okay), Park Jung-soo (Marriage Contract), at Krystal Jung (of the K-pop girl group f(x) at romcom movie Sweet and Sour).

Isinulat at idinirehe ito ni Kim Jee-woon, na ilan sa mga proyekto ay ang A Tale Of Two Sisters (2003), A Bittersweet Life (2005), at The Good, The Bad, The Weird (2008). Naisulat niya ang Cobweb matapos maranasanan ang struggles ng pagiging artists, filmmakers, at ng buong film industry na grabeng naapektuhan ng pandemic.

Despite the countless horrible conditions that were triggered by the pandemic, life went on. Through the set of the film-within-a-film Cobweb, which is only completed through a great number of struggles, I want to send a hopeful and tentatively optimistic message that cinema will go on, just as life goes on despite all of its ironies and hardships,” aniKim.

Ang Cobweb ay ipinrodyus ng Anthology Studios at ipinamamahagi globally ng Barunson E&A, na siya ring nag-produce ng Parasite

Eksklusibo namangipinamamahagi sa Pilipinas ang Cobweb ng TBA Studios, na siya ring nagdala ng mga award-winning film tulad ng Everything Everywhere All At Once at ang box-office romantic drama na Past Lives.

Kaya kung gusto ninyo ng entertaining movie na may matututunan sa paggawa ng pelikula, tamang-tama itong Cobweb. Isa nga sa nakita naming nanood ng special screening nito sa SM Megamall ay ang aktor/direktor na si Ricky Davao na tulad ng mga nakasaksi ay na-enjoy ng bongga ang pelikula.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …