Sunday , December 22 2024
Lorna Tolentino Sylvia Sanchez Monster

LT at Sylvia super proud sa nabiling Japanese film, Monster — parang Pinoy movie na tumatagos sa puso

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INILAHAD ni Lorna Tolentino na malaki ang impluwensiya at role ni Sylvia Sanchez sa pagiging producer niya.

Yes, producer na rin si Lorna at ito ay sa pamamagitan ng Japanese film na Monster na pagsasama rin ng kilalang Japanese director/screenwriter na si Yûji Sakamoto at composer Ryuichi Sakamoto.

Kitang-kita nga ang excitement kay LT habang ipino-promote ang Monster gayundin sa isinagawang Red Carpet Celebrity Screening nito sa SM Megamall noong Martes.

Ang Monster ay isang family drama na tumatalakay sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu-bully at isinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip. Idinirehe ito ni Hirokazu Kore-eda.

Sana maging excited din ‘yung mga manonood kasi excited din kaming ihatid sa kanila ang pelikulang ‘Monster,’” ani Lorna.

Noong nagtungo kami sa Cannes (76th Cannes Film Festival), hindi namin mapanood dahil pinipilahan siya para mapanood. So, sabi namin ano ang pelikulang iyan? Ano ang istorya niyan? Hanggang sa nakita namin ang trailer at sinuwerte kami na maipadala itong ‘Monster’ dito ngayon sa atin,” pagbabahagipa ni LT.

Nakatanggap na ng award abroad ang pelikulang ito at naniniwala kapwa sina LT at Sylvia na maraming Pinoy ang tiyak na makare-relate at mata-touch ang mga puso dahil sa istoryang pamilya.

Nagpapasalamat ako na isinama ako ni Sylvia na maging partner niya sa Nathan Studios. Noong nalaman ko na nagpro-produce na sila (Nathan Studios) ng mga pelikula, sabi ko kay Sylvia, turuan niya ako kung paano mag-produce para matutunan ko rin.

Sabi niya sumama ako sa Cannes, dahil iba na ang klase ngayon ng pagpro-produce. At noong nandoon nga kami pinipilahan itong ‘Monster.’ Bale ito ang first venture namin together at mayroon pa kaming mga darating na pelikula,” sabi pa ni LT.

Sinabi naman ni Sylvia na magaling ang direktor ng Monster kaya naengganyo siyang dalhin ito sa Pilipinas.

Magaling na direktor si Hirokazu Kore-eda. Ang galing-galing niya. At saka itong ‘Monster’ kasi parang Pinoy movie na tumatagos sa puso,” sambit ni Sylvia.

At goal ng Nathan Studios (na si Ria Atayde ang CEO) ay mag-produce ng sariling pelikula rito sa Pilipinas. Naniniwala kami na maraming magagaling na actors na hindi nabibigyan ng pag-asa, na hindi nabibigyan ng chance. Gusto naming i-showcase at dalhin abroad ang ating mga pelikula. At the same time bibili rin kami ng pelikula sa abroad na alam naming matatanggap ng mga Pinoy at matututo tayo at lalawak ang ating kaalaman tungkol sa mga pelikula,” sambit pa ng magaling na aktres.

Mapapanood ang Monster sa mga sinehan simula October 11.

Sinuportahan sina Sylvia at LT ng kanilang mga kaibigang sina Angel Aquino, Ricky Davao, Isabel Rivas, Ara Mina, Ynez Veneracion, Mon Confiado, Elijah Canlas, Jane Oiñeza, RK Bagatsing, director Richard Somes, at JK Labajo. 

Na-curious din si Ria Atayde, CEO ng Nathan Studios Inc sa pelikulang Monster. Bukod sa rekomendado, “The filmmaker that worked on this, he also did ‘Shoplifters’ in 2018 and that’s one of my favorite international films. So I feel like that really kind lit a fire and it encouraged everybody else in the group to acquire the film.”

Samantala, sinabi naman ni si Sylvia na nalampasan na siya sa galing ng anak niyang si Arjo Atayde.

Aminado ako and thankful ako, kasi anak ko ‘yon,” anito dahil idineklarang national winner or representative ng Pilipinas for Best Actor in a Leading Role for Cattleya Killer si Cong Arjo sa gaganaping Asian Academy Awards 2023 sa Singapore sa Disyembre.

Bukod dito, nominado rin ang aktor bilang Best Lead Actor sa pareho ring TV series sa Asian Content Awards (ACA) 2023 na magaganap naman sa October 8 sa Busan, South Korea.

Kaya talagang super excited si Sylvia sa mga pagkilalang natatamo ng kanyang panganay lalo pa ang nomination sa Busan na first time na may na-nominate na Pinoy sa Best Actor at idolo niya ang isa sa matinding kalaban ni Arjo, si si South Korean actor Ryu Seung-ryong para sa K drama na Moving.

Isa sa matinding kalaban ni Arjo, natutuwa ako, kasi idol ko rin, si Ryu Seung-ryong, ‘yung lead star ng ‘Miracle Cell No. 7.’ Ang gagaling ng mga kalaban niya,” super excited na tsika ni Ibyang at sinabing lilipad sila ng Busan gayundin ng Singapore.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …