Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glaiza de Castro Slay Zone

Glaiza de Castro, excited sa pelikulang Slay Zone

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Glaiza de Castro na super-excited siya sa pelikulang Slay Zone na pinagbibidahan nila ng komedyanang si Pokwang.

Bukod kasi sa naiibang pelikula ito, first time magiging co-producer ni Glaiza sa pelikulang pinamamahalaan ni Direk Louie Ignacio.

Pahayag ni Glaiza, “Na-excite ako, kasi noong pinitch sa akin na suspense-thriller ‘yung genre ng pelikula, it’s been a while since nang nakagawa ako ng ganoong pelikula. Midnight in a Perfect World ni Direk Dodo Dayao pa and medyo matagal na iyon.

“So, itong pelikula na ito, unang-una iyong genre, pangalawa iyong mga katrabaho ko like si Mamang (Pokwang), dahil lagi kaming nagkikita sa GMA-7, pero we never had a chance to work together as actresses.

“Pero rito sa pelikulang ito, makikita n’yo po… and I’m also excited kung ano ang magiging outcome ng mga eksena namin. Knowing Direk Louie na talaga namang world class ang mga pelikulang ginawa at critically acclaimed, kaya sobra akong nae-excite sa mga gagawin namin.”

Mula Wide International Film Productions, kasama rin sa pelikula sina Maui Taylor, Rico Barrera, Abed Green, Richard Armstrong, Tiktok sensation Queenay Mercado, Lou Veloso, Hero Bautista, Raul Morit, at Paolo Rivero.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Also, I’m excited to work with Queenay, Sir Rico, sir Rico raw o, at ‘yung iba pa… Kasi kapag mahuhusay ang kasama mo, ang sarap umarte.”

Aniya, “Sobrang grateful din ako sa Wide International. Sa dinami-rami kasi na nakatrabaho nila, puwede nilang gawing co-producer. Pero para iyong pagkatiwalaan ako na maging parte ng company nila, na hindi lang ako basta endorser, o talent nila, napakalaking bagay niyon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …