Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea kalma muna bagong relasyon tiyakin

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALA na bang masasabi ngayon si Andrea Brillantes kundi kung sinong lalaki ang crush niya. Aba simula nang isplitan siya ni Ricci Rivero, parang naghahanap na talaga si Andrea ng maaari niyang pagbalingan. Bigla niyang sinabi na gusto niyang maka-date ang anak na lalaki ni Ina Raymundo, si Jacob Portunak dahil pogi raw iyon kaya lang nang ma-meet kasi niya iyon  ay on pa sila ng ex niya.

Ngayon naman ang sinasabi niya four years old pa lang siya talagang crush na niya si Paul Salas. Sino naman kaya ang isusunod niyang sasabihin niyang crush niya? 

Ang masakit wala namang isa man lang sa sinasabi niyang crush niya ang may balak na manligaw sa kanya. Samantalang si Ricci mukha ngang naka-move on na at visible na sila ng dating beauty queen at ngayon ay konsehal ng Los Banos na si Lara Mae Bautista. Lalong pressure iyon kay Andrea na makakuha na rin ng kapalit ni Ricci.

Marami na rin naman kasing turned off kay Andrea. Natural lamang na matakot ang mga lalaki, aba eh kung magsyota na kayo at regaluhan ka niya ng kung ano-ano, tapos isusumbat pala niyang lahat kung break na kayo. Malabo iyon. Isipin mo kung syota mo siya, pupunta siya sa bahay mo at oras na magkagalit kayo marami na siyang ilalabas na baho sa bahay mo, na hindi niya naamoy noong natutulog pa siya roon. Natural matatakot na makipag-relasyon ang isang lalaki sa babaeng ganyan.

Isa pa, umiiwas din naman sila sa kantiyaw, dahil hanggang ngayon naman ay mukhang hindi pa nakalilimutan ng mga tao ang lumabas na video scandal noon ni Andrea na siya rin ang may gawa. Ayaw din ng mga lalaki lalo na at kung konserbatibo ang mga ganyang issue, nakakapikon iyan eh.

Sa ngayon ang maipapayo namin kay Andrea, kumalma na lang muna at palipasin ang mga hindi magagandang usapan, darating din naman ang araw na makakatagpo siya ng para sa kanya at bago siya pumasok sa isang relasyon, magsiguro na muna siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …