Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion Kiko Pangilinan Childen

Sharon sa mga anak at kay Kiko iwas OP sa concert nila ni Gabby

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA simula pa lang ay sinabi naman ni Sharon  Cuneta na si Kiko Pangilinan o sino man sa kanyang tatlong anak dito ay hindi manonood ng concert nila ni Gabby Concepcion na gaganapin sa MOA Arena sa susunod na buwan. Sabi nga ni Sharon hindi maiiwasang ang kanilang reunion concert ay maging celebration ng kanilang love team ni Gabby at ayaw naman siyempre niyang magmukhang out of place roon si KIko o sino man sa kanyang mga anak maliban kay KC Concepcion

Kung manonood ang kanilang mga anak ni KIko, at tiyak namang naroon si KC sa concert ng mga magulang niya, tiyak na ang lahat ng mga fan ay kampi sa kanyang panganay. Magmumukha namang kakaning itik ang mga anak niya kay KIko, in the first place nitong mga huling araw ay hindi maganda ang image nina Frankie at Miel lalo na sa mga social media follower. Baka kung naroroon pa sila ay maubos na ang panahon ni Sharon sa kasasagot sa mga basher ng kanyang mga anak. 

At sa totoo lang, makasisira rin naman sa damdamin ng mga bata na makita nilang ang gusto pala ng mga tao para sa nanay nila ay ang dating  ka-love team, at hindi ang tatay nila. Mabuti na nga lang at magkaiba sila ng propesyon, si Gabby naman kasi ay isang actor samantalang si Kiko ay isang retired politician.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …