Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes Ricci Rivero

Fans ni Andrea ampalaya

HATAWAN
ni Ed de Leon

MASYADONG ampalaya ang fans ni Andrea Brillantes. Siguro nakita nga nilang matindi ang naging sama ng loob ni Andrea nang isplitan ng dating boyfriend na si Ricci RIvero, kaya ngayong nababalitang nakikipag-date na ang basketball player sa iba, todo bashing naman ang kanilang ginagawa. 

Hindi lamang user at cheater ang sinasabi nila ngayon, kung sabihin nila si Ricci raw ay dugyot at hindi naman guwapo kahit na saang anggulo mo tingnan. Hindi ba nakatatawa dahil para nilang sinabi na si Andrea ay na-in love sa dugyot at hindi naman guwapong lalaki. At saka bakit ngayon lang nila sinasabi iyan matapos na iyon ay makipag-split kay Andrea? Bakit iba ang tono ng sinasabi nila noong araw? Ano rin ba ang pakialam nila kung may nililigawan na iyong iba, hindi ba si Andrea naman ay nagsabi ring may gusto siya sa anak ni Ina Raymundo dahil pogi iyon. 

Iyon na lang ang suportahan nila, sabihin nilang mas pogi ang anak ni Ina, kaysa sinasabi nilang dugyot at pangit si Ricci nang makipag-break na iyon kay Andrea. Sino ba ang maniniwala sa kanila eh kahit naman sino ang tumingin ay magsasabing pogi si Ricci. Mas masakit kung maririnig pa nila na si Lara Mae Bautista ay hindi lang isang respetadong opisyal ng Laguna kundi maganda rin. Kung kami nga ang tatanungin, sa tingin namin ay mas maganda siya kaysa kay Andrea. Hindi namin masisisi si Ricci kung ligawan niya ang konsehala na obviously ay better choice naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …