Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco fighting

David nakipagsuntukan lang action star na agad

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAG-POST sila ng isang eksena sa serye na nakikipagsuntukan si David Licauco, at mabilis nilang sinabi na mukhang maganda ang kanyang future bilang isang action star. 

Aba, hindi naman dahil nakipagsuntukan ka lang sa isang eksena, action star ka na. Mas mahirap maging action star kaysa maging isang matinee idol. Pero siguro nga napuna na rin nilang hindi naman talaga kinakagat ng mga tao ang pinipilit nilang love team ni David kay Barbie Forteza, kaya gusto nilang unti-unti ay ibahin na naman ang image niyon. Iyang image at popularidad ng isang artista ay hindi maididikta ng network sa masa. Dapat pabayaan lang nilang tumakbo ang career ni David ng normal, at kung saan siya  kagatin ng masa, suportahan nila ng proyekto. 

Kasi kung ipipilit ang hard sell na build up, nahahalata rin iyan ng masa at lalo silang hindi maniniwala. Hindi pa ba sila natuto matapos nilang bigyan ng lahat ng klaseng build up si Francheska Farr? Nasaan na iyon ngayon? Sinubukan din naman nila iyan kay Julie Ann San Jose, natural ba ang following na nakuha niyon sa publiko? 

Ngayon ganoon din ahg ginagawa nila kay David.

Mas sisikat iyang si David kung ilalagay sa ayos ang pagbi-build up sa kanya. 

Napakahirap niyong ‘hinog sa pilit.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …