Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvester Stallone at Jason Statham umarangkada sa matinding aksiyon sa Expend4bles

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TUWANG-TUWA kami at nakasama kami sa advance screening ng maaksiyong pelikula nina Sylvester Stalloneat Jason Statham, ang Expend4bles na handog ng Millennium Media, Lionsgate, MVP Entertainment, at Viva International Pictures.

Panalo sa aksiyon ang Expend4bles na sa unang limang minuto ay umaatikabong sabugan, barilan, suntukan agad ang ipinakita sa pelikula. Talaga namang makapigil-hininga ang mga eksena.

Hindi lang kasi sina Sylvester at Jason ang nagpakita ng husay sa aksiyon, maging sina Dolph Lundgren, Andy Garcia, 50 Cent, Megan Fox, Tony Jaa, Randy Couture, Iko Uwais, levy Tan, at Jacob Scipio ay panalo rin sa pagpapakita ng tuloy-tuloy na aksiyon. 

Mahusay ang pagkakadirehe ni Scott Waugh kaya kung may oras kayo, naku panoorin na ninyo dahil palabas na ito sa kasalukuyan sa mga sinehan.

Ito ang pagbabalik ng paborito ninyong A-team. Ang all-star group ng pinakamatatapang, pinakamalalakas, at walang takot na mga kalalakihan… at kakababaihan! Sa totoo lang, mas intense ang mga eksena rito sa Expend4bles dahil mas maraming pasabog at aksyon. 

Nagsama-sama sina Sylvester at Jason (Barney Ross at Lee Christmas) kasama ang buong Expendables crew para sa isa na namang misyon. Pupunta ang kanilang team sa isang lumang chemical weapons plant sa Libya para pigilan si Suharato Rahmat (Iko Uwais), kilalang nagbebenta ng mga ilegal na armas, na manakaw ang nuclear missile detonators para sa kliyente niyang si Ocelot. Pero maiisahan sila ni Rahmat at matutuloy ang pagnanakaw nito. 

Itutuloy ng Expendables team ang pagtugis kay Rahmat sa Jantara boat na haharap sila sa mas delikado at mas mahirap na pagsubok. Kailangan nilang matiyak na mahuhuli na nila si Rahmat bago nito ma-deliver ang package, dahil kung hindi, tiyak na maghahasik ng lagim si Ocelot.  

Ang Expend4bles ang pang-apat ng pelikula sa Expendables action-thriller franchise. Ito ay idinirehe ni Scott Waugh, na kilala rin mula sa iba pa niyang pelikula tulad ng Act of Valor noong 2012 at Need for Speed noong 2014. 

Bukod kina Statham at Stallone, nagbabalik din sina Dolph Lundgren bilang Gunner Jensen at Randy Couture bilang Toll Road, ang original members ng Expendables. Si Curtis Jackson, o mas kilala bilang 50 Cent ay magiging parte rin ng pelikula bilang si Easy Day, ang pinakabagong miyembro ng Expendables. Mag-uumapaw din ang kagandahan at kaseksihan ni Megan bilang female lead character sa pagganap na Gina, isang CIA agent at girlfriend ni Lee.  

Kaya i-welcome muli ang OG team, at kilalanin ang new blood ng team Expendables at humanda sa biggest action flick ngayong taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …