Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Maricel Soriano Roderick Paulate

L.A sumagupa kina Maria at Dick; Entertainment press pinaiyak 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TEASER pa lang ng pelikulang isasabak ng 7K Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2023 (na sana’y mapili na kokompleto sa natitirang apat na entry), panalo na agad. Ang tinutukoy namin ay ang In His Mother’s Eyes nina Maricel Soriano, LA Santos, at Roderick Paulate.

Halos lahat ng nakapanood ng teaser ay pinuri ang pelikula at naiyak dahil sa istoryang makabagbag damdamin na talaga namang kumurot sa aming mga puso. Kaya nga ang usapan, teaser pa lang panalo na eh ano pa kaya kung buong pelikula na ang napanood namin.

Isa sa ipinakitang teaser ay ang confrontation scene nina Maricel at Roderick na gumaganap na magkapatid sa In His Mother’s Eyes, kasama ang ilang eksena ni LA na gumaganap namang special child na anak ng karakter ni Maria. 

Kung pagbabasehan ang teaser, matagal naiwan ni Maricel sa pagkandili ni Roderick ang anak na si LA kaya naman hirap itong pakisamahan o intindihin ang gawi ng anak lalo’t special ito.

Kaya naman sa maikling teaser na iyon agad nabagbag ang aming damdamin dahil napakahusay naman talaga nina Kuya Dick at Maria.

Ang nakagugulat ay ang husay na rin ni LA sa pag-arte na ikinatuwa namin. Nasubaybayan din naman kasi namin ang career ng batang ito mula sa pagiging singer hanggang sa pagiging aktor. Kung nakailang teleserye na rin siya sa ABS-CBN at talaga namang pinaghusay ng batang ito ang pag-arte kaya hindi na kami nagtataka kung nakipagsabayan siya kina Dick at Maria.

SA totoo lang, si LA ang klase ng taong kapag may ginustong pagbutihin, nagagawa niya. Kaya tiyak na marami ang makapapansin sa ikinagaling ng batang ito. Napa-wow! kami sa ilang eksena lalo na iyong sa kanila ni Maricel. 

Kaya nga sa kuwento ng kanyang inang si Mommy Flor Santos na excited at naiiyak minsan si LA kapag umuuwi galing ng shooting naiintindihan namin ito dahil makaeksena mo ba naman ang isang Dick at Maricel, naku malaking bagay iyon.

Kuwento pa ni Mommy Flor, naging close sina Maria at LA habang ginagawa ang pelikula.

“Feeling ko nga, mas mag-nanay pa ‘yung dalawa, eh. Naikukuwento niya lahat kay Maricel. Grabe ang suporta nila kay LA, lalo si direk (FM Reyes) din. Grabe ‘yung suporta nila, sobra, hindi magagawa ni LA ‘yun kundi dahil sa kanila,” emosyonal na pagbabahagi ni Mommy Flor.

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Mommy Flor (producer) kina Maria at Dick, kay direk FM Reyes, at sa buong crew at staff ng pelikulang In His Mother’s Eyes dahil nakabuo sila ng isang napakagandang pelikula na ang istorya’y para sa mga LGBTQIA, special child, ina, anak. 

Kaya naman sana’y masama sa natitirang apat na isasama sa MMFF 2023 ang In His Mother’s Eyes dahil bukod sa maganda ang istorya, reunion movie ito nina Maricel at Roderick pagkatapos ng maraming taon.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …