ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO ang newbie actress na si Bo Bautista na bata pa lang ay gusto na talaga niyang mag-artista.
Si Bo ay anak nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta at isa sa ipinakilalang 32 new talents recently ng NET25 para sa kanilang Star Center Artist Management, headed by actor-director Eric Quizon.
Pahayag ng bagets, “Yes po. eversince I was a kid, I’ve always had a love for performing. sobrang hilig ko po manood ng Broadway plays, musicals, etcetera. Dati nga po, siguro noong mga 7 years old ako, may time na kahit mag-isa po ako sa kuwarto nagpe-perform ako, tapos may one woman show ako.
“During 2018, na-discover ko rin po yung love ko for dancing, the feeling of being part of something great like a performance on stage is one of the best feelings ever.”
Pagpapatuloy pa ni Bo, “Actually, out of my siblings po, ako lang yung nagkagusto na maging artista, kasi tuwing napapanood ko po sila papa hangang-hanga po talaga ako at naisip ko na rin na gusto kong maging artista, because I super appreciate the art of acting and I love the thought of being able to live different lives and being able to experience so many different things, while telling stories that will reach people’s hearts.”
Sobrang thankful ng dalagita na maging bahagi ng Star Center Artist Management ng NET25.
Aniya, “Masayang-masaya po ako sa opportunity na ito and sobrang nagpapasalamat po ako na napunta ako rito.
“Siguro para sa akin po, isa sa mga pinakagusto ko so far is yung environment, sobrang nakakagaan po ng loob kapag alam mo talaga na safe space ang work space mo. Iyong talagang maggo-grow po kami lahat and maho-hone namin ang bawat talento namin.
“Lahat po kami ng mga Starkada nagtutulungan sa isat isa, si direk Eric po laging nandiyan to encourage us and give us helpful advice. Hinding- hindi po kami nagkukulang sa guidance dito at sobrang nagpapasalamat po ako dahil doon.”
Ano ang gusto niyang gawing projects sa NET25?
Esplika ni Bo, “Pagdating po sa mga project, parang wala naman po akong super specific na gustong gawin. Pero sa tingin ko po, masaya siguro na maging part ng mga sitcom.
“Gusto ko rin pong maranasan na magka-role sa horror movie kahit ako yung multo, hahaha! Kasi, mahilig po ako sa genre na yun at dahil nga po mahilig talaga akong mag-perform, isa na rin po sa mga ideal projects ko is variety show na rin, para ma-showcase, improve, at madagdagan pa po yung mga talents and experience namin ng mga Starkada ko po.”
Inusisa rin namin si Bo kung anong payo ang ibinigay ng kanyang parents sa pagpasok niya sa showbiz?
Nakangiting tugon niya, “Lagi lang pong ipinapaalala ni mama sa akin na kung mayroon man na mga negative na comments ang mga tao, huwag lang pong pansinin, kasi siyempre hindi natin maiiwasan yung mga bagay na ganyan.”
“Si papa po, always reminds to stay true to myself and never do things that I’m not comfortable with. Kapag umaarte raw po, dapat galing sa puso talaga and mahalin mo lang talaga yung trabaho mo, kasi masaya naman po talagang umarte.
“Just love what you do, be honest in the moment when you do your work and don’t second guess yourself after,” sabi pa ni Bo hinggil sa mga pangaral sa kanya ng award-winning aktor niyang erpat.
“Basta super supportive lang po talaga sila papa at mama sa aking career,” pahabol na sambit pa ni Bo.