SA kanyang Instagram post malungkot na ikinuwento ni Matet de Leon ang hindi magandang experience niya sa isang grocery. Nakapila kasi siya sa Persons with Disabilities o PWD at tinitingnan siya ng hindi niya mawari kung bakit, hanggang sa kalabitin siya ng isang babae at pinalilipat sa ibang lane.
Inakala kasi ng mga nakasabayan ni Matet ay sinadya niyang pumila sa PWD lane para prioridad siya at madaling makapamili.
Post ni Matet sa kanyang Instagram account kamakailan, “I have bipolar disorder. I’m a pwd. Hindi halata? Kaya pala pinag titinginan ako kanina sa isang supermarket.
“Kinalabit pa ako ng isang babaeng yayamanin at pinapalipat ng lane. Hiyang hiya ako. Pati sa sarili ko.”
Patuloy niya, “Pumila kasi ako sa PWD lane. Wala akong kasunod na senior, o may visible disability, kaya nag-decide ako na roon na pumila. Kung saan ako dapat.
“Ang hirap ng kalagayan naming may mental health issues na hindi nakikita ng iba. Sanay sila na ang may mental illness, nagtutulo ng laway o nagsasalita mag isa.
“Sana sa lahat ng makakabasa nito, mag ingat. Guys, hindi madali ang malagay sa sitwasyon namin. Sana huwag nang pabigatin pa ng iba.
“Sana huwag nang paabutin pa sa kailangan na naming isabit sa leeg namin mga ID namin. Kaloka (emoji sad face).”
Mensahe pa ni Matet, “At sa mga kagaya ko, na kaya naman magtiis ng sandali, paunahin ang matatanda at ‘yung talagang makikita ninyong hirap nang pumila. ‘Yun lang.”
PWD pala si Matet. Kahit kami ay hindi alam. Kung titingnan mo kasi si Matet ay normal na normal siya, ‘di ba?