Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, isang panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga manggagawa at/o mga independent contractors sa industriya ng pelikula, telebisyon, at radyo.

Binigyang-puri ng beteranong aktor-na-ngayo’y politiko ang liderato ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para sa mabilis na pagpasa ng panukala sa House of Representatives. Ang House Bill No. 1270 ay naipasa noong Pebrero na may kabuuang 240 boto.

Subalit sa loob ng pitong buwan matapos itong maipasa sa mababang kapulungan, hindi pa rin ito naipapasa ng Senado.

Ang iminungkahing batas ay pinamagatang “Eddie Garcia” bilang pagkilala sa sikat na aktor na namatay noong Hunyo 2019 dahil sa aksidente habang nagte-taping para sa isang teleserye sa isang estasyon ng telebisyon.

Ayon kay Melendez, ipinakita ng kamatayan ni Garcia ang pangangailangan para sa isang ligtas na lugar ng pagtatrabaho para sa mga manggagawa sa entertainment industry.

Idinagdag pa niya na marami sa mga manggagawa sa entertainment industry ay independent na aktor, aktres, at performers at mga freelancer, na walang katiyakan ang suweldo at benepisyo.

Sa kanyang pahayag, nanawagan si Melendez sa kanyang mga kapwa artista na ngayon ay nagsilbing mga senador na maseguro ang pagpasa ng panukalang batas na ito sa pinakamabilis na panahon. Kasama rito ang mga senador na sina Lito Lapid, Robin Padilla, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla.

Bilang isang aktres, naranasan at nasaksihan ko mismo ang mga hamon at panganib sa aming industriya. Ako ay nananawagan sa aming mga kasamahan sa Senado na bigyan ng seryosong pansin ang panukalang batas na ito. Ang kaligtasan at karapatan ng manggagawa sa entertainment industry ay dapat maging prioridad,” pagtatapos ni Melendez.

Kabilang sa mga author ng “Eddie Garcia” bill sa senado sina Lapid, Estrada, at Padilla samantalang naghain naman ng panukalang Media Workers’ Welfare Act sina Sens Bong Go, Raffy Tulfo, at Loren Legarda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …