Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
KZ Tandingan Moira Dela Torre Zanjoe Marudo

Moira nabudol si Zanjoe dahil sa kalasingan

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG Asia’s Soul Supreme na si  KZ Tandingan ang gustong makasama ni Moira Dela Torre uminom ng Maria Clara Virgin Sangria bukod sa kanyang banda.

Ayon kay Moira sa mediacon nito bilang kauna-unahang ambassador ng Maria Clara Virgin Sangria na ginanap sa Luxent QC kamakailan, “Kagagaling ko lang ng Milan si KZ Tandingan po, sa lahat po ng abroad, sa lahat po ng tour na pinuntahan namin kami (KZ) ang room mates.

“Actually isa siya sa bestfriend ko sa industry, so if I can drink with someone, ako po yata ‘yung nagsabi sa kanya.”

May kuwento nga itong ‘di malilimutan about lasing story. “Sabi ko po kay KZ four years ago noong nag-‘ASAP Rome’ po kami, ‘akong bahala sa ‘yo aalagaan kita inom tayo,’ eh ako po ang nalasing kaya siya ang nag-alaga sa akin.

“Tapos hinila po kami nila Kuya Zanjoe (Marudo) ng KathNiel (Kathryn Bernardo, Daniel Padilla) ni ate Dimple (Romana), ni Jodi Santamaria, naglakad kami sa out street ng Rome after ng show tapos, ano po kaladkarin lang kami ni KZ tapos nakahanap kami ng restaurant tapos omorder kami ni KZ ang mahal pala niyong inorder namin.

Order kami ni KZ ng T-Bone Steak, tapos siya order siya ng pasta tapos ganyan tapos dumating ‘yung bill tinginan kami ‘wala tayong dalang pera.’ So ‘yun po ‘di kami nagbayad, si kuya Zanjoe po ang nagbayad, medyo wala rin po siyang choice, hindi ko po malilimutan ‘yun.

Tapos noong nag-Milan po kami ng ‘ASAP’ siya ulit ‘yung ka-roomate ko, tapos ino-offer na naman sa amin ‘yung alak, tiningnan niya ako ng masama (KZ), so ‘yun po, if there’s someone I always wanted to drink with, it’s KZ,” ani Moira.

Bukod sa pagiging ambassador, ito rin ang may akda ng anthem na Maria Clara, isang full-length song na bagong jingle ng brand. Ipinahiram din niya ang kanyang tinig para makapagkalat ng positibong mensahe ng self-love, ano man ang sitwasyon. Sinasabi ng Maria Clara sa lahat na kung minsan, okay lang na hindi maging okay, ngunit hindi kailangang magmadali at siguradong lahat ay magiging maayos.

Dagdag pa nito, “It’s basically a friend for all seasons. And so, ‘Maria Clara’ is a reminder of where you’ve been and where you’re going and who you are as a woman.” 

Dagdag pa ni Moira, na nais niyang mag-focus sa epekto ng Maria Clara sa buhay ng mga tao, “It’s been a friend. It’s helped ease loneliness, it has helped people cope, it has helped people celebrate.”

At ngayon, maaari nang i-enjoy ang mga milestones ng buhay ng walang alcohol kasama ang Maria Clara Virgin, na akma sa mensahe ni Moira na maging totoo sa ating mga sarili.

Pakinggan at mag-enjoy sa lyrics at melody ng Maria Clara, na isinulat ni Moira, habang umiinom ng Maria Clara Sangria o Maria Clara Virgin.

Mapakikinggan ang Maria Clara ni Moira sa Spotify. Mabibili ang Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin sa lahat ng major retail outlets.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …