ni Ed de Leon
NOONG una ay iwas na iwas sa kakaibang sideline ang isang male star. Una sinasabi nga niyang siya ay may asawa na at may anak na. Inaamin naman niyang may experience na rin siya. Pero matagal na raw iyon noong bata pa siya.
Pero natukso rin yata siya. Pumatol siya sa showbiz gay na nangako namang hindi kakalat kung ano man ang mangyayari sa kanila. May nangyari nga, nagkaroon siya ng pera, no sweat naman sa kanya dahil wala namang ginawang hindi niya gusto, at hindi naman kumalat iyon kaya sa mga sumunod na pagkakataon, sa tuwing yayayain siya ng showbiz gay ay sumasama naman siya at ibinibigay ang gusto niyon.
Naging open na rin siya sa showbiz gay, na nangako naman sa kanyang tutulong sa kanya. Kaya lang iba talaga ang target ng showbiz gay, na walang dudang basta nakuha niya ay kakalimutan na ang male star. Obssesed kasi ang showbiz gay sa isang poging male model na matagal na niyang sinusundan, hindi nga lang niya masingitan dahil masyado iyong big time.
Eh baka ngayong malamlam na rin ang career niyon, magkaroon na ng pagkakataon si BADING.Tiyak na mas type pa rin niya iyon kaysa male star na nakaka-date niya ngayon.