MATABIL
ni John Fontanilla
MASUWERTE ang isa sa bagong young actor ng Kapuso Network na si Michael Sager na nasa pangangalaga ng Sparkle at Cornerstone dahil kahit baguhan sa showbiz, sunod-sunod ang proyektong ginagawa sa GMA7.
Regular itong napapanood sa Eat Bulaga Monday to Saturday bilang part ng Chaleko Boys na kinabibilangan din nina Kokoy De Santos at Yas Marta; Abot Kamay ang Pangarap, Monday to Friday; at All Out Sunday tuwing linggo.
Bukod pa rito ang mall, TV guestings, at provincial shows kaya naman very thankful ito sa GMA 7, Sparkle, at sa TAPE Inc sa mga proyektong ibinibigay sa kanya.
At bago matapos ang taon ay may isang malaking proyekto itong gagawin na pagbibidahan niya na ayaw pang sabihin dahil baka maudlot. Ikukuwento na lang niya ang buong detalye kapag sure na sure na.