Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eddys Speed

Aga, Goma, Gabby, Onin, Snooky, Jaclyn, Barbara, Nova pararangalan Movie Icons sa 6th The EDDYS

WALONG tinitingala at itinuturing na haligi ng entertainment industry ang gagawaran ng espesyal na pagkilala sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023.

Bibigyang-pugay ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaanim na edisyon ng The EDDYS ang  hindi matatawarang kontribusyon ng mga napiling Icon awardees sa industriya ng pelikulang Filipino.

Ang mga EDDYS Icon honorees ngayong taon ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, at Niño Muhlach.

Kasama rin sa mga pararangalan bilang EDDYS Icons sa 6th The EDDYS sina Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez , at Nova Villa

Samantala, kabilang sa mga bibigyan ng Isah V. Red Award sina Herbert Bautista, Rosa Rosal, Coco Martin,at Piolo Pascual para sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.

Igagawad naman sa 6th The EDDYS ang Joe Quirino Award sa veteran  entertainment columnist, dating TV host, at content creator na rin ngayong si Aster Amoyo.

Ang beteranong manunulat naman at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.

Samantala, ang napiling Producer of the Year naman ay ang Viva Films habang ang Rising Producer of the Year naman ay igagawad sa MavX Productions.

Kamakailan ay inihayag na ng SPEEd ang magaganap na 6th Entertainment Editors’ Choice sa darating na Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, na ididirehe ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tessie Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS.

Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa NET 25 na pinamumunuan ng Presidente nitong si Caesar Vallejos, sa Oct 28, 2023.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd para sa 6th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People’s Journal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …