HATAWAN
ni Ed de Leon
“BASTOS ka, napakabastos na tao mo,” ang comment ni Chief presidential legal counsel Juan Ponce Enrile sa komedyanteng si Vice Ganda.
Ang comment ay may kinalaman sa pagsubo nila ng boyfriend niyang si Ion Perez ng kanilang daliri habang nagpapakita ng may kahulugang facial expression. Nasabi rin iyon ni JPE dahil sa iba pang violation ng kanilang show, maliban sa pagaubo ni Vice ng kanyang daliri na may icing.
May ibang tao naman na nagsasabing hindi bastos iyon sa tingin nila, at ano raw kung nakikita ng mga bata, wala pa namang malisya ang mga iyon at lalong hindi nila maiisip na hindi maganda iyon. Na para bang sinasabing ang nagsasabi niyon ay siyang may bastos na pag-iisip at hindi si Vice.
Ang aming opinion sa mga bagay na iyan, mukhang nasanay nga yata si Vice sa pinanggalingan niyang mga comedy bar na ang mga ganoong bastusan ay click. Hindi niya naiisip na nagpe-perform siya sa harap ng camera na libong tao ang nakakapanood sa kanya at hindi ang iilang nag-iinuman at lasing na sa isang comedy bar.